A Perspective on Corporations' Dominance Over Governments and its Implication in the Philippine Context and Setting
Do corporations run the world? YES.
In politics, we may say that their influence is undoubtedly apparent. Policies that are passed onto Congress may most likely serve the interests of the legislators themselves because most members of the legislative body come from the corporate ranks or somewhat related to influential business clans in their respective districts. However, there still remains, to some extent, a limitation to the rights of corporations regarding their operations and business influences. They are still subject to rules and regulations of the government.
In terms of dominance and control over world trade and influences on economic and even political policies, they do run the world. Its political influence has already been said above. On the economic aspect, global economy is being largely controlled by the dominant leaders of giant economies whether in terms of national wealth per se or specific giant corporations which are even larger than some countries' economy. And although there are bodies formed to regulate international trade and commerce such as the World Bank, World Trade Organization and other UN monetary bodies, and proposed structural adjustments for trade and tariffs, transnational corporations are still influential and somehow manipulative of these bodies. I have nothing against WB, WTO and UN bodies. In fact, they have good suggestions that have benefited countries in their economic state. BUT these are formed to regulate and mediate on multi-concerns. They should not be biased.
Corporations may argue that their business concerns complement that of the country in which it operates and that their success is shared by its people. This may be right in some areas of contention. But they should also take into consideration their treatment to their workers, the labor sector through unions that have been busted in most countries because of the pro-corporate policies that these countries implement. On environmental concerns, do they comply with all environmental policies on pollution and protection? On the socio-environmental aspect, do they sometimes violate people's right to use their own raw resources? This chain of factors should be taken into consideration by these corporations before they argue that they really are in service for the people. They operate business for profit and not invest for public concern alone. Yes, they serve the needs of consumers from clothes to fuel to groceries to credits and so on BUT at the end of the day, they still get what they invested in overflowing profits.
In the Philippines, private corporations seem to be powerful and influential in the political floor. Almost similar to the case of "big tobacco, big pharmaceuticals, big oil" and so on, giant corporations in the country pose strong and earnest role and influence on national policies and the market (especially in the latter). But good thing, whereas in industrialized countries where privatization, liberalization, radicalization and other pro-corporate actions happen like it's the trend of the state, the Philippine government still has control over corporations and can regulate rates and prices. On the effect of transnational corporations in the economy, bare enough, they "co-operate" with other Philippine corporations although obviously, they are more competent given their international marketability, financial capacity for operations and promotions and of course, their advertisements play significant part. In the country, Unilever, Nestle, Colgate-Palmolive are household names overriding even "local” conglomerates. They contribute to the Philippine economy BUT this may also pose a foreign-dependent economy thus breaking the leg for national pursuance of making national industries. What does the Philippine government do regarding these concerns? Apparently, it tolerates foreign investment and the rampant use of national resources for TNCs' advantage for production. Adam Smith, in his "Wealth of Nations" saw corporations, as much as governments, as instruments for suppressing the competitive forces of the market, and his condemnation of them was uncompromising (Korten, 1995). This trend of giving prioritization to corporate interests over general welfare implies that corporations are indeed influential even on these matters. What does the government do on this? Again, this is a picture of tolerance "for economic survival's sake".
The nation itself is a corporation. It has legal mandate, population, domain and corporate name. In itself, competition may be healthy or imbalanced. But when corporations tend to dominate the national government, it implies weakness in building a project on nationhood. The national government should stand on its role as the distributor of public wealth and services. Corporations, on the other hand, are still and should be under government supervision and regulation as to maintain and protect public interests. Nevertheless, they are given rights to operate as much as they want under laws and regulations. There should be harmonious co-existence and mutual progress, meaning without the expense of the violating the other's rights. You may attest that I am suggesting an ideal yet impossible picture of national government/international governance-corporations relationship. But that is how a project of nationhood could be made possible. That may also be one way to prevent the wanton actions of powerful corporations. In this way, national interest (a factor in the project of nationhood) may be pursued. Unless one "give way for the sake of the other" in mutual terms, the said dilemma will continue to create conflicts between forces.
The authority of a nation over the affairs and concerns of the people should always be observed and upheld and not disregarded. The general welfare of the citizens should always be one of the top concerns and priorities of governments along with progress and development. And so, when corporations tend to dominate and devour citizens' concerns and rights to basic services, these governments should stand to its role of intervening for the cause of its citizens. Business corporations indeed contribute to the economic progress of a nation as a corporation (in its real sense). But they have limitations. They are latently taking hold of the global market and economy and even surpassing their limits over international law. This should not be tolerated.
Sources and related links:
Email debate: Do corporations rule?, BBC's Who Runs Your World? series.
http://www.thirdworldtraveler.com/Korten/RiseCorpPower_WCRW.html
Sunday, July 1, 2007
ANG BALANSE SA LIPUNAN*
Tuwing ako'y napapadaan sa mga lugar na may matataas na gusali at magagandang tanggapan tulad ng sa Makati o sa Ortigas, aking nasasabi sa sarili, "Umuunlad na nga ang Pilipinas, umaahon na ang bansa." Pero matapos dumaan ang bus dito, makikita ko mula sa bintana ang mga batang gusgusin na namamalimos at ang batang nanay na nagpapasuso sa kanyang sanggol habang umiiyak ang isa pang anak sa tabi (at marahil walang padre de pamilya).
Sa pagtanaw sa mga larawang ito, masasabi pa nga bang umuunlad ang Pilipinas?Maliit na tanawin lang ito sa kahabaan ng EDSA o sa maraming bahagi ng Kamaynilaan. Paano pa kaya ang mga nasa kanayunan?
Ang distribusyon ng yaman sa bansa ay hindi pantay. Kung kaya, bagamat patuloy ang lokal at dayuhang pamumuhunan sa bansa ngunit hindi naman naibabahagi sa lahat ang mga yamang nakukuha mula sa mga ito sa pamamagitan ng mga buwis, hindi sabay-sabay ang kaunlaran. Ayon sa World Development Report 2006, kung sabay-sabay ang pag-unlad ng mga sektor ng lipunan, mas mabilis ang pag-usad ng ekonomiya at malaki ang posibilidad na maabot ang mas malaking kaunlaran. Sa kaso kasi ng Pilipinas, sadyang napakalaki ng agwat ng mga dukha sa nakaaangat sa lipunan. Ang isang pamilya, halimbawa, ay pinagkakasya ang isang instant noodles para sa sampung supling habang ang isang pamilya'y tig-iisa sa bawat instant noodles. Malaking pagkakaiba. Malaking agwat. At malaking hindi pagkakapantay. Hindi patas. Hindi balanse.
Ang pagsugpo sa hindi pagkakabalanse sa lipunan ay nangangailangan ng pagsugpo muna sa kahirapan. Nangangailangan ng komprehensibong reporma sa mga serbisyo kung saan mabibigyang tugon ang mga pangunahing hinaing ng mga mahihirap. Poverty reduction and alleviation ang nakikitang sagot ng pamahalaan dito. Sa mga programang ipinatutupad ng bawat administrasyon sa anyo ng Social Reform Agenda, Erap para sa Mahirap, Kapit Bisig Laban sa Kahirapan, iisa ang layunin ng pamahalaan, ang mabawasan at tuluyang sugpuin ang pinapasan ng mga maralita. Tinitignan ng programa kung paano mabibigyan ng magandang kabuhayan ang mga nasa kanayunan, maparami ang mga trabaho para sa karaniwang mamamayan, at mabigyan ng sapat na suporta ang kababaihan at kabataan.
Sa edukasyon, halimbawa, may mga mahihirap na estudyanteng may sapat na talino subalit hindi nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral nang maayos dahil sa kakulangan sa materyal sa pag-aaral, pamasahe, at ang hindi pagkakatutok ng guro sa mga aralin para sa bawat estudyante dahil sa malaking populasyon sa klasrum (karaniwan sa pampublikong paaralan ay may 1 guro para sa 75 estudyante). Kung may sapat na serbisyong pangkalusugan, makapagtatrabaho nang mahusay ang magulang sa halip na mahirata sa banig ng karamdaman o kaya'y alagaan ang maysakit na anak.Kung laging ganito ang hinaharap ng mahihirap araw-araw habang abala ang pamahalaan sa pagpapalago ng ekonomiya sa macroekonomikong perspektibo, hindi nagtatagpo ang kalagayan ng magkabilang panig. Naiiwan pa rin ang mahihirap sa buntot ng kaunlaran.
Sa ganang ito, maaaring maibuod sa tatlong pangunahing lansangan ng kawalan ng balanse ang karanasan ng Pilipinas sa usapin ng pag-unlad at pagkakapantay-pantay: aspetong politikal, ekonomiko at sosyo-kultural.
Politikal ito dahil ang mga layunin, polisiya, plano, programa at mga proyektong pangkaunlaran ng pamahalaan ay ang mga pangunahing nagsasagwan sa bangka ng bansa. Ang taumbayan ay handang sumagwan pero may ilang hindi sumasabay sa kumpas ng namumuno dahil sinusunod ang makasariling pananaw. Dahil dito, hindi nababalanse ang pagsasagwan kaya hindi umuusad o kung umuusad man ang bangka, ubod ng bagal. Sa ganitong bagay, kailangan ng matibay na paninindigan sa politika- paninindigang ang pamunuan sa bansa ay hindi isang pook ng pag-aangkin kundi pagbibigay at pagmamalasakit. Ang puwesto sa pamahalaan ay dapat maging luklukan ng mga taong may pag-unawa sa kalagayan ng mahihirap at sinserong maglingkod.
Sa aspetong ekonomiko, natitipon ang yaman ng bansa sa sentro gaya ng Kamaynilaan, at mga karatig-pook nito habang ang mga nasa lalawigan ay hindi nabibigyan ng tamang suporta. Ang ilang lungsod gaya ng Cebu at Davao ay panakanakang nakikitaan din ng asenso pero ang mga lalawigang karatig nito ay nanatiling mahihirap. Sa mga nakatala sa Philippine Human Development Report mula 1994 hanggang 2004, kapansin-pansing ang mga pinakamahihirap na lalawigan ay yaong nasa Silangang Kabisayaan, Bikol, at mga bahagi sa Mindanao. Agrikultura at pangingisda ang karaniwang kabuhayan ng mga tao dito pero kung kapos pa ang suporta, paano pa sila makakaahon?
Malaki ang di pagkakapantay-pantay sa sosyo-kultural na usapin. Sa maraming bahagi ng bansa, kalunsuran man o kanayunan , namamayani ang diskriminasyon sa katayuan sa buhay, pinagmulang pamilya, 'di pagkakaroon ng kapantayan sa pagtingin sa kasarian, mga katutubong nakararanas ng diskriminasyon sa edukasyon, larangan, hanapbuhay at iba pa. Kung hindi nahahasa o mas malala, hindi nabibigyan ng pagkakataong umunlad ang lakas paggawa, paano aabante ang ekonomiya?
Hindi lamang simpleng equality o pagkakapantay-pantay ng distribusyon ang kailangan para umasenso ang bansa. Higit na mahalaga ang equity o ang pagtingin ng mamamayan sa kung ano ang patas. Pareho itong mahalaga upang makamit ang inaasam na progreso.Sa isang rowing team, mahalaga ang lakas ng braso ng mga nagsasagwan pero higit na kailangan ng sama-sama at sabay-sabay na pagkilos upang bumilis ang bangka.Pero may malaking suliranin: marami ang nagsasagwan pero hindi pantay ang lakas ng mga ito. Ang ilan ay malakas habang ang iba ay naaagawan pa ng lakas. Paano pa uusad ang bangka? Dapat ay patas ang lakas na natatanggap ng bawat kasapi ng team o lupon. Kailangan ng determinasyon ng nangunguna at balanse para sa mga nagsasagwan.Sa pag-aaral naman ng bisikleta, hindi ka matututo kung hindi mo kayang timplahin ang bigat o gaan ng katawan lalo na ng mga paa sa pagpepedal. Kailangang may balanse para umandar ito.Sama-samang paggawa, sabay-sabay na pagkilos, harmonya, pagtutulungan, kooperasyon, balanse at higit sa lahat, direksyon, pokus at determinasyong magawa ang dapat gawin- ang mga ito ang siyang layunin ngayon at dapat pag-ibayuhin pa ng pamahalaan lalo na ng namumuno.
Isang araw, nakangiti na ang mga bata sa lansangan at hindi na gusgusin. May sapat nang pagkain sa mesa ang bawat pamilyang Pilipino.

Uusad din ang bangka natin.
Pagpalain nawa ng Diyos ang ating bayan.
Sources:
Balisacan, Arsenio. An Introduction to the Key Issues in The Philippine Economy: Development, Policies, and Challenges. QC: ADMU Press, 2003
Bautista, Victoria. A Decade of Governance Innovations and Gaps in Poverty Alleviation presented at the Int'l Conference on Public Administration Plus Governance. QC: UP-NCPAG, 2002.
Executive Summary 2005 http://www.news.ops.gov.ph/
Philippine Human Development Report 1994 through 2004 Philippine Medium Term Philippine Development Plan 2001-04, 2004-10 http://www.neda.gov.ph/
World Development Report 2006: "Equity and Development" http://www.finfacts.com
*This essay won the top prize in the Filipino category of the Essay Competition in the 2006 Panibagong Paraan (Development Innovation Marketplace) by World Bank Philippines.
Subscribe to:
Posts (Atom)